Saan Ka Dito?

Ako si Abdurrahim Loma na ipinanganak noong October 5, 1976 sa San Miguel bulacan. Ang aking mga magulang ay sina Ramon Abdurrahman Loma at Maryam Loma. Kami ay anim na magkakapatid at ako ang panganay. Sa bayan ng San Miguel din ako nagtapos ng elementarya at High School. Lima kaming magkakapatid na lalaki at isang babae at dahil ako ang panganay nagnais akong maging pari noon matapos ko ang High School gawa ng panghihikayat ng mga classmates ko na gusto ring magpari noon kaagapay pa doon ang pagpapalaki sakin ng aking mga tiyuhin na nagsipagtapos sa Saint Paul College sa aming bayan. Kaya’t noong 4th year high school na ako ay halos araw-araw akong dumadaan sa simbahan ng Bayan bago ako umuwi sa bahay at halos araw-araw ko din binabasa ang Bibilya ng mga panahong iyon. Sa mga panahong din iyon (1992-1994) ay nasa Saudi Arabia ang aking ama at doon siya nakapagtrabaho pagkatapos ng gulf war. May panahon noon na naputol ang komunikasyon namin sa aking ama sa hindi namin malamang kadahilanan walang pang social media noon kaya hirap kami makakuha ng impormasyon. Mga ilang buwan matapos akong mag graduate sa High School ay nakabalik ang aking ama sa Pilipinas at muli naming siyang nakasama. Doon Ibinalita niya na nagkaroon sila ng problema sa kanyang employer kaya hindi siya nakakatawag o sulat man lang sa amin at ibinalita niya na yumakap daw siya ng Islam sa Saudi Arabia ng mga panahong iyon. Nakikita namin siya nagsasalah araw-araw, pagdarasal na kakaiba sa nakagisnan naming relihiyon nagtataka ako at ang aking mahal na ina na nagtanong kng ano ang ginagawa ng aking ama. Sinabi niyang nagmuslim nga siya at ganoon ang pamamaraan ng pagdarasal sa Islam binigyan nya ako ng mga babasahin tungkol sa Islam at mga tapes na tumatalakay sa katuruan ng Islam. Nagdadalawang isip ako noon na pagtuunan ng pansin ang mga librong iyon sapagkat nais ko nga na magpari subalit doon na pala bubuksan ni Allah ang puso ko at ng aking ina sa Islam. Siguro mga 2 weeks kong binasa ang mga librong iyon at pinakinggan ang mga tapes na iyon hanggang sa madama ko ang ganda ng Islam at mga turo nito. Akon a mismo ang nagsabi sa aking ama na gusto ko pumasok sa Islam at kinalimutan ko ang pagnanais kong magpari. Sabay kaming nagmuslim ni mama at mga kapatid ko na maliliit pa noong mga panahon na iyon.
Buwan ng Mayo noon taong 1994 isinama kami ng aking ama sa ISCAG PHILS na noon ay nasa Cubao pa doon kami tuluyang nagshahada ng aking ina at mula noon tuloy-tuloy na ang aking pag-aaral ng islam. Noong taong ding iyon nagkaroon ng interview sa ISCAG PHILS sa mga gustong mag-aral sa Islamic University of Madinah na sa mga panahong iyon ay nag-aaral na ako ng Tourism sa PUP Manila tinawagan kami ng mga kapatiran na namamahal noon sa Iscag at sinabihan kami nab aka daw interesado akong mag aral sa ibang bansa sa Madinah KKSA nga na ikinatuwa naman ng aking ama at siya ang nagtulak sa akin na magpa interview sa sa akin naman ay parang wala lang subalit bilang pagsunod sa aking ama ay pinaunlakan ko. Naganap ang interview at isa ako sa mga napili ng hindi naming inaasahan at pagkatapos ng isang taon ay nakatanggap kami ng letter of acceptance na isa daw ako sa mga napili at pumasa sa interview kaya’t dali-dali akong nag ayos ng mga papeles na kailangan upang tahakin ang pag-aaral sa Madinah ng hindi naming inaasahan ni wala pa akong masyadong alam sa islam noon sapagkat bagong muslim pa lang ako that time.
To make the story short iniwanan ko un pag-aaral ko sa PUP Manila at naglakbay ako sa Saudi Arabia para mag-aral sa pinakapopular na Islamic University sa buong mundo. Sa mga unang araw ko sa Madinah ay nahirapan ako sapagkat bago lang ako sa islam walang alam sa Arabic na halos dalawang buwan umiiyak ako sa hirap ng pag aaral dahil kakaunti lang ang mga Filipino sa University na iyon puro Arabic ang usapan sa loob at labas ng classroom pero sa tulong at awa ni Allah ay nakatapos din ako after 6 years ng pagtitiyaga (1995-2001) sa kursong College of Dawah at Usulud Deen after that ay kinuha ako bilang Arabic translator sa isang Islamic center sa Eastern province of Dammam mula taong 2001 hanggang ngayon 2020 at marami na rin ang naturuan namin ng islam marami na ang nagmuslim at ang lahat ng pasasalamat ay kay Allah sa napakalaking biyaya niya sa aming pamilya na pinili Niya na kami ay maging Muslim at naggabay sa atin sa katotohanan.